Sa panahon ba natin ngayon ay mayroong tunay na sugo ang Diyos?
Paano natin sila makikilala?
Tungkol sa pagkakaroon ng sugo may mga tao na nagsasabi ng ganito:
“Hindi
na uso ang ‘sugo’ sa panahon ngayon, nung araw lang meron niyan, tsaka
meron namang Biblia, basahin lang ng tao iyan mauunawaan na, kaya hindi
na kailangan ang sugo.”
Inakala ng marami na ang mga salita ng Diyos o ang Biblia
ay katulad lamang ng pangkaraniwang aklat na nabibili kahit saan,
basahin mo lang ay mauunawaan mo na. Ano ba ang katangian ng mga salita
ng Diyos na nakasulat sa Biblia?
Roma 16:25 “At ngayon sa kaniya na makapangyarihan na sa inyo'y makapagpapatibay ayon
sa aking evangelio at sa pangangaral ni Jesucristo, ayon sa pahayag ng
hiwaga na natago sa katahimikan nang panahong walang hanggan.”
Ang evangelio o ang mga salita ng Diyos na ito nga ay ang Biblia, ito ay isang aklat na mahiwaga, ang sabi nga ito ay “pahayag ng hiwaga na natago sa katahimikan ng panahong walang hanggan” samakatuwid ang Biblia ay isang hindi pangkaraniwang aklat, kaya ito’y hindi madaling mauunawaan ng tao.
Eh paano kung tangkain ng tao na pag-aralan ito sa kaniyang sarili? Makakararating ba siya sa pagkaalam ng katotohanan?
2 Timoteo 3:7 “Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan.”
Hindi
matututunan o mauunawaan ng tao ang Biblia sa sarili niyang paraan,
kahit na ito’y pag-ubusan niya ng mahabang panahon, pag-aralan man ng
pag-aralan, hindi siya makakararating sa tunay na kahulugan ng mga
salitang nakasulat doon. Kaya nga sa katotohanan ay iisa lamang ang
Biblia, ngunit kapansin-pansin na ang mga tao’y nagkaiba-iba ng
paniniwala.
Dahil sa hindi naunawa ng tao ang tunay na nilalaman ng Biblia ano ang kanilang ginawa?
Roma 10:2-3 “Sapagka't sila'y pinatotohanan ko na may mga pagmamalasakit sa Dios, datapuwa't hindi ayon sa pagkakilala. Sapagka't
sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios, at sa pagsusumakit na
maitayo ang sariling kanila, ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng
Dios.”
Dahil sa hindi nakaabot ang tao sa pagkaalam ng katotohanang nakasulat sa Biblia na ito ay ang katuwiran ng Diyos, nagtayo
ang tao ng sariling kanila, na ang ibig sabihin ang mga tao’y lumikha
ng sarili nilang mga aral na hindi na sakop ng katuwiran ng Diyos, sa
madaling salita, wala na sa Biblia ang kanilang pinaniwalaan at itinuro sa mga tao.
Bakit
ba dapat makilala natin ang mga tunay na sugo ng Diyos? Ano ba ang
kahalagahan nito? Maliwanag na sinasabi ng Biblia na ang may karapatan
lamang na mangaral ng mga salita ng Diyos ay ang mga tunay na sugo ng
Diyos:
Roma 10:15 “At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila mga sinugo? gaya nga ng nasusulat, Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita ng mga bagay na mabuti!”
Kaya nga hindi komo’t may dalang Biblia ang isang nangangaral, kung hindi naman siya tunay na sugo ng Diyos,
ay wala siyang karapatang mangaral, ang mga tunay na sugo lamang ang
binigyan ng Diyos ng karapatang ito. Bakit? Dahil sa kanila lamang
ipinagkaloob ang makaalam ng hiwaga ng mga salita ng Diyos na nasa
Biblia:
Lucas 8:10 “At sinabi niya, Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng Dios:
datapuwa't sa mga iba'y sa mga talinghaga; upang kung magsitingin ay
huwag silang mangakakita, at mangakarinig ay huwag silang mangakaunawa.”
Sa
mga tunay na sugo ibinigay ng Diyos ang pagkaalam ng hiwaga, sila
lamang ang may karapatang magpaliwanag at tanging nakakaalam ng tunay na
kahulugan ng mga salita ng Diyos na nasa Biblia. At
dahil dito ay marapat na sa kanila lumapit ang tao at hanapin ang
kaniyang mga salita sapagkat sila ang tagapag-ingat ng kaalamang mula sa
Diyos:
Malakias 2:7 “Sapagka't ang mga labi ng saserdote ay dapat mangagingat
ng kaalaman, at kanilang marapat hanapin ang kautusan sa kaniyang
bibig; sapagka't siya ang sugo ng Panginoon ng mga hukbo.”
At
sa ganitong kadahilanan kaya ipinagutos ng Panginoong Jesus na dapat
nating sampalatayanan o paniwalaan ang mga sugo ng Diyos:
Juan 6:29 “Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Ito ang gawa ng Dios, na inyong sampalatayanan yaong kaniyang sinugo.”
Ngunit
sa mundo ngayon ay napakaraming mangangaral, at ibinabala ng mga
apostol na maraming nagpapangap na sugo ng Diyos, sapagkat maraming
darating na mga bulaang propeta at mga bulaang guro:
2 Pedro 2:1-2 “Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta,
na gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na
mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang
pananampalataya, na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa
kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak.
At maraming magsisisunod sa kanilang mga gawang mahahalay; na dahil sa
kanila ay pagsasalitaanng masama ang daan ng katotohanan.”
Kaya
napakahalaga na ating makilala ang mga tunay na sugo ng Diyos, upang
tayo ay huwag madaya ng mga bulaang mangangaral, at matiyak natin na
tunay na aral ng Diyos ang ating matatanggap at sasampalatayanan. Paano
nga ba natin makikilala ang mga tunay na sugo Diyos? Nagbigay ba ang
Diyos ng mga palatandaan o ng pagkakakilanlan sa isang tunay na sugo na
ating mapagbabatayan maging sa panahon natin ngayon? Ating tunghayan ang
sagot sa pagpapatuloy ng ating pagtalakay…
Paano nga ba makikilala ang mga tunay na sugo ng Diyos?
Ibinigay ng Diyos ang pagkakakilanlan sa kanila sa aklat ni propeta Isaias, ganito ang ating mababasa:
Isaias 8:20 “Sa KAUTUSAN at sa PATOTOO! kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito, tunay na walang umaga sa kanila”.
Dalawa ang katangiang kailangan nilang taglayin ayon sa Diyos: sila’y nagsasalita ayon sa (1) KAUTUSAN at (2) PATOTOO. Ang sabi nga kung hindi sila magsalita ng ayon sa salitang ito tunay na walang umaga sa kanila. Ang umaga ay kasingkahulugan ng liwanag:
Isaias 58:8 “Kung magkagayo'y sisikat ang iyong liwanag na parang umaga,
at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw; at ang iyong katuwiran ay
mangunguna sa iyo; ang kaluwalhatian ng Panginoon ay magiging iyong
bantay likod.”
Ibig sabihin kung hindi taglay ng isang mangangaral ang dalawang katangiang binanggit ng Diyos, ang nasa kanila ay hindi liwanag kundi kadiliman – ang mga mangangaral na ito ay hindi mga tunay na sugo ng Diyos kundi mga bulaang propeta o mga bulaang guro.
Ang Kautusan
Ano ang kahulugan ng kautusan ayon sa Biblia?
Kawikaan 6:23 “Sapagka't ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag; at ang mga saway na turo ay daan ng buhay:”
Ayon sa Biblia ang kautusan ay “turo” o aral na ito’y daan ng buhay. At dapat taglayin ng isang sugo ang turo ng nagsugo sa kaniya:
Juan 7:16-18 “Sinagot nga sila ni Jesus, at sinabi, Ang turo ko ay hindi akin, kundi doon sa nagsugo sa akin. Kung
ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay MAKIKILALA
NIYA ANG TURO, KUNG ITO'Y SA DIOS, O KUNG AKO'Y NAGSASALITA NA MULA SA
AKING SARILI. Ang
nagsasalita ng sa ganang kaniyang sarili'y humahanap ng kaniyang
sariling kaluwalhatian: datapuwa't ANG HUMAHANAP NG KALUWALHATIAN
NIYAONG SA KANIYA'Y NAGSUGO, ANG GAYON AY TOTOO, AT SA KANIYA'Y WALANG
KALIKUAN.
Ayon
sa Panginoong Jesu Cristo, makikilala ang tunay na sugo kung ang
itinuturo niya ay galing sa nagsugo sa kaniya lamang [Ang Panginoong
Dios] at hindi siya nagsasalita na mula sa kaniyang sarili lamang.
Samakatuwid ang tunay na sugo ay nagsasalita at nagtuturo ng tunay na
mga aral na pawang nakasulat sa mga Banal na kasulatan o ng Biblia,
hindi siya nagtuturo ng aral na hindi mababasa sa mga Banal na Kasulatan
o mga aral na inimbento o kinatha lamang. Ang kaniyang itinuturo ay dalisay o purong mga salita ng Diyos na nasa Biblia:
Juan 3:34 “Sapagka't ang sinugo ng Dios ay nagsasalita ng mga salita ng Dios: sapagka't hindi niya ibinibigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat.”
Hindi
dinaragdagan o binabawasan ng tunay na sugo ng Diyos ang mga salita ng
Diyos na nasa Biblia, ang itinuturo niya’y kung ano lamang ang mababasa
at nasusulat sa banal na aklat, ang kaniyang aral ay walang kalikuan o
kamalian:
1 Tessalonica 2:3 “Sapagka't ang aming iniaaral ay hindi sa kamalian, ni sa karumihan, ni sa pagdaraya.”
At kailan man ay hindi mo siya makikitaan ng kahit isang aral na wala sa Biblia.
Ang Patotoo
Hindi lamang ang kautusan ang sapat na batayan upang kilalanin silang tunay, dapat taglay din nila ang patotoo, na ito naman ang kahulugan ayon sa Biblia.
Apocalypsis 19:10
“At ako'y nagpatirapa sa kaniyang paanan upang siya'y aking sambahin.
At sinasabi niya sa akin, “Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa
mo alipin at ng iyong mga kapatid na mayroong patotoo ni Jesus: sumamba ka sa Dios: sapagka't ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng hula.”
Ang ibig sabihin ng patotoo sa Biblia ay hula o sa wikang ingles ay prophecy (basahin sa King James Version ang nakalagay ay … “spirit of prophecy” ) at hindi guesing. Samakatuwid ang tunay na sugo ay dapat taglay ang dalawang katangiang ito:
1. KAUTUSAN - Ang itinuturo niya ay hango sa mga salita ng Diyos na
nakasulat sa Biblia, at hindi galing sa kaniyang sarili lamang, at
hindi niya ginagamitan ng pansariling pagpapaliwanag, at ng kaniyang
sariling karunungan. Hindi siya nag-iimbento ng aral dahil lahat ng
kaniyang itinuturo ay mababasa sa Biblia.
2. PATOTOO - Dapat may hula o propesiya na
tumutukoy sa kaniyang kahalalan o “authority” ng kaniyang pagkasugo
sapagkat siyang nagpapatunay ng kaniyang karapatan sa pangangaral-sa
madaling salita, kinakailangang ang isang nagpapakilalang sugo ay
hinuhulaan o may hula sa Biblia ng kaniyang pagiging sugo.
Kung
ang mga katangiang nabanggit ay hindi taglay ng isang nagpapakilalang
mangangaral, siya’y hindi tunay na Sugo ng Diyos. At ang kaniyang turo
ay turo lamang ng tao. At kapag turo lamang ng tao ang ating nasunod,
mawawalan ng kabuluhan ang ating ginagawang paglilingkod at pagsamba sa
Diyos:
Mateo 15:9 “Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao.”
Kumuha tayo ng mga halimbawa sa Biblia, na hinulaan ang kanilang kahalalan o karapatan bilang mga sugo ng Diyos.
Halimbawa ng mga Sugo ng Diyos na may Hula o Propesiya sa Biblia
1. Si Juan Bautista:
Maraming
taon pa bago ang pagkapanganak kay Juan Bautista ay hinulaan na ang
kaniyang pagdating at ang tungkulin na kaniyang gagampanan. Gaya ng
mababasa sa aklat ni propeta Isaias:
Isaias 40 :3 “Ang
tinig ng isang sumisigaw, Ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon
pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Dios.”
At makalipas ang ilang daang taon nangaral si Juan Bautista na siyang katuparan ng
hulang ito.
Juan 1:19-23 “At ito ang patotoo ni Juan, nang suguin sa kaniya ng mga Judio mula sa Jerusalem ang mga saserdote at mga Levita upang sa kaniya'y itanong, Sino ka baga? At kaniyang ipinahayag, at hindi ikinaila; at kaniyang ipinahayag, Hindi ako ang Cristo.
At sa kaniya'y kanilang itinanong, Kung gayo'y ano nga? Ikaw baga'y si
Elias? At sinabi niya, Hindi ako. Ikaw baga ang propeta? At siya'y
sumagot, Hindi. Sinabi nga nila sa kaniya, Sino ka baga? Upang ibigay
namin ang kasagutan sa nangagsugo sa amin. Ano ang sinasabi mo tungkol
sa iyong sarili? Sinabi niya, Ako ang tinig ng isang humihiyaw sa ilang, Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon, gaya ng sinabi ng propeta Isaias.”
Kapansin-pansin
na kung kangino lamang natupad ang hula ay siya mismo ang
nagpapaliwanag nito. Mapapansin din na sa hula, hindi binabanggit ng
Diyos ang pangalan ng hinuhulaan kundi ang kaniyang tungkulin na
gagampanan, at saan siya magmumula, bilang katunayan ng kaniyang
kahalalan at karapatan sa pangangaral.
2. Si Apostol Pablo:
Si Apostol Pablo na isa ring sugo ng Diyos ay may hula din na tumutukoy sa kaniya maraming taon bago pa ang kaniyang pagsilang sa mundo:
Isaias 49:6
“Oo, kaniyang sinasabi, Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging
aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ng Jacob, at isauli ang
iningatan ng Israel, ikaw ay aking ibibigay na pinakailaw sa mga Gentil upang ikaw ay maging aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa.”
Na nang magkaroon ng katuparan ay ipinaliwanag din ni apostol Pablo ang kahulugan nito:
Gawa 13:46-47
“At nagsipagsalita ng buong katapangan si Pablo at si Bernabe, at
nagsipagsabi, Kinakailangang salitain muna ang salita ng Dios sa inyo.
Yamang inyong itinatakuwil, at hinahatulan ninyong hindi kayo
karapatdapat sa walang hanggang buhay, narito, kami ay pasasa mga
Gentil. Sapagka't ganito ang ipinagutos
sa amin ng Panginoon, na sinasabi, Inilagay kitang isang ilaw ng mga
Gentil, Upang ikaw ay maging sa ikaliligtas hanggang sa kahulihulihang
hangganan ng lupa.”
3. At ang ating Panginoong Jesu-Cristo:
Katulad din ng ibang mga sugo ng Diyos, ang ating Panginoong Jesu-Cristo na siyang pinakadakilang sugo (Filipos 2:9) ay may hula
rin na tumutukoy sa kaniya na nagpapatunay at kahayagan ng kaniyang
karapatan bilang tunay na sugo, bago ang kaniyang paglitaw o ang
kaniyang pagsilang sa sanglibutan. Narito ang hula na tumutukoy sa kaniya:
Isaias 61:1-2 “Ang
Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; sapagka't pinahiran ako ng
Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo; kaniyang
sinugo ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magtanyag ng
kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo;
Upang magtanyag ng kalugodlugod na taon ng Panginoon, at ng kaarawan ng
panghihiganti ng ating Dios; upang aliwin yaong lahat na nagsisitangis;”
Lucas 4:16-21 “At siya'y napasa Nazaret na kaniyang nilakhan: at ayon sa kaniyang kaugalian, siya'y pumasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagtindig upang bumasa. At ibinigay sa kaniya ang aklat ng propeta Isaias. At binuklat niya ang aklat, na nasumpungan niya ang dakong kinasusulatan, Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagka't ako'y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako'y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, At sa mga bulag ang pagkakita, Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi, Upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon. At binalumbon niya ang aklat, at isinauli sa naglilingkod, at naupo: at ang mga mata ng lahat ng nangasa sinagoga ay nangakatitig sa kaniya. At siya'y nagpasimulang magsabi sa kanila, Ngayo'y naganap ang kasulatang ito sa inyong mga pakinig.”
Kapansin-pansin
na binasa muna ni Jesus ang dakong kinasusulatan ng hulang tumutukoy sa
kaniya at saka niya ito ipinaliwanag. Makikilala ang mga tunay na sugo
kung sila’y hinuhulaan sa Biblia, bago pa sila isinilang, hindi sinasabi
ang pangalan ng hinuhulaan kundi ang huhulaan ay ang kanilang paglitaw,
ang kanilang tungkuling gagampanan na siyang katibayan ng kanilang
karapatan sa pangangaral.
May Sugo ba sa panahon natin ngayon?
Ang Iglesia Ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914, ay may kinikilalang sugo ng Diyos, ang aming Kapatid na si Felix Y. Manalo – siya ang kinikilala naming “Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw”. Bakit? Taglay ba niya ang dalawang katangiang ating tinalakay? Nasa kaniya ba ang kautusan at patotoo
na sinabi ng Diyos na dapat na taglay ng mga tunay na sugo ng Diyos?
Ang itinuturo ba niya’y dalisay na mga aral mula sa Biblia? At siya
ba’y hinuhulaan o may hula ba sa Biblia tungkol sa kaniyang paglitaw at
ng kaniyang karapatan bilang sugo ng Diyos?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento