Sa mga hindi nakapagsusuri na
napangingibabawan lang ng kung magkaminsan ay bunga na lang ng kanilang
matinding paghanga marahil sa kanilang tagapagturo ay hindi na namamalayan na
sila ay natuturuan na ng MALING ARAL.
Upang masuportahan ang kanilang
paniniwala na si CRISTONG DIYOS ay mayroon nang PRE-EXISTENCE o UMIIRAL na mula
pa nang pasimula, ay ginagamit nila ang nakasulat sa KAWIKAAN 8:22-30:
Basahin po natin ang nasabing
talata:
KAWIKAAN
8:22-30 “Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng
kaniyang lakad, bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una. Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang
pasimula, bago nalikha ang lupa. Ako'y
nailabas ng wala pang mga kalaliman; nang wala pang mga bukal na sagana ng
tubig. Bago ang mga bundok ay nalagay, bago ang mga burol ay ako'y
nailabas: Samantalang hindi pa niya
nililikha ang lupa, ni ang mga parang man, ni ang pasimula man ng alabok ng
sanglibutan. Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: nang siya'y maglagay
ng balantok sa balat ng kalaliman: Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa
itaas: nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman: Nang bigyan niya ang
dagat ng kaniyang hangganan, upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang
utos: nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa: Nasa siping nga niya ako
na gaya ng matalinong manggagawa: at ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw, na
nagagalak na lagi sa harap niya;”
Pagkatapos basahin ang mga
talatang iyan ay sasabihin nila na si CRISTO raw ang nagsasalita diyan. Iyan
daw ay sinalita ni JESUS nung siya daw ay nandun pa sa Langit kasama ng AMA.
Kaya daw napakaliwanag na si CRISTO ay DIYOS, kasi meron daw bang tao na umiral
o nandun na bago pa lalangin ang SANGLIBUTAN o ang DAIGDIG?
Ating maitatanong sa kanila: May nabasa ba kayong si CRISTO ang
nagsasalita riyan?
Kung magiging tapat man lang sana
sila sa atin, kitang-kita naman sa talata na walang sinasabi na si CRISTO ang
nagsasalita diyan.
Kahit siguro basahin niyo pa ang
buong aklat ng MGA KAWIKAAN wala kayong mababasa na si CRISTO iyan.
Pero alin ang maliwanag?
Napakaliwanag na ang nagsasalita sa KAWIKAAN 8:22-30 ay ang KARUNUNGAN, itataas
lang natin ang basa sa verse 12 sa parehong chapter:
KAWIKAAN 8:12
“Akong KARUNUNGAN ay tumatahan sa kabaitan, at aking nasusumpungan ang
kaalaman at gunita.”
Siyempre hindi
tututol ang mga naniniwalang si CRISTO
ang nagsasalita diyan, at ang sasabihin nila, TAMA ang KARUNUNGAN nga ang
nagsasalita diyan, tapos magtatanong sila ng ganito: HINDI BA SINASABI SA BIBLIA NA SI CRISTO AY
KARUNUNGAN NG DIYOS?
At babasahin nila siyempre ang
talatang ito:
1 CORINTO 1:24 “Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at
mga Griego, si CRISTO ang kapangyarihan ng Dios, at ang KARUNUNGAN NG DIOS.”
Maliwanag na sinasabi sa talatang
ito na si CRISTO ay KARUNUNGAN ng DIYOS. At hindi po kami TUTUTOL kailan man sa
sinasabing iyan ng BIBLIA, dahil talagang nasa BIBLIA iyan.
Saan po kami tumututol? Tumututol kami sa kanilang maling PAGKAUNAWA
na isipin no komo’t sinasabi na KARUNUNGAN NG DIYOS si CRISTO, ay siya mismo
ang KARUNUNGAN ng DIYOS na sinasabi sa BUONG BIBLIA.
Eh pano kaya ito?
1 HARI 4:29 “At binigyan ng Dios si SALOMON ng KARUNUNGAN, at di
kawasang katalinuhan at kaluwagan ng puso, gaya ng buhanging nasa tabi ng
dagat.”
Hindi naman kayo siguro tututol
na ang ibinigay na KARUNUNGAN kay Haring Solomon ay KARUNUNGAN ng DIYOS, kaya
maitatanong natin sa kanila, si CRISTO ba ang ibinigay na KARUNUNGAN kay
Solomon?
Eto pa ang isa:
LUCAS 2:40 “At lumalaki ang BATA, at lumalakas, at NAPUPUSPOS NG
KARUNUNGAN: at sumasa kaniya ang biyaya ng Dios.”
Dito sa talatang ito na sinasabi
na ang batang si CRISTO ay NAPUPUSPOS ng KARUNUNGAN, si CRISTO rin ba ang
KARUNUNGAN na PUMUPUSPOS sa kaniyang sarili diyan? Hindi ba lalabas na DALAWA na ngayon ang
CRISTO? Isang BATANG CRISTO na pinupuspos ng KARUNUNGANG CRISTO?
Siguro naman sa isang taong
PALABASA ng BIBLIA na may MALINAW NA PAGIISIP ay hindi nila maaaring matanggap
kailan man na si CRISTO ang KARUNUNGAN na binabanggit sa mga talatang iyan.
Dahil kataku-takot na salungatan ang mabubuo, at hindi lamang sa mga talatang
iyan kundi sa napakarami pang iba.
Isa lang ang MALIWANAG: HINDI
LAHAT NG NABABASANG “KARUNUNGAN” sa BIBLIA ay TUMUTUKOY kay CRISTO.
Nakabasa lang kasi na KARUNUNGAN
iyong nagsasalita sa KAWIKAAN 8:22-30 ipinagpalagay na, na si CRISTO mismo
iyon.
Bakit namin natitiyak na hindi si
CRISTO ang sinasabi sa KAWIKAAN na KARUNUNGAN?
Narito ang pruweba: Pansinin ang
pagpapakilala ng aklat ng KAWIKAAN sa KARUNUNGAN:
KAWIKAAN
7:4 “Sabihin mo sa
KARUNUNGAN, Ikaw ay aking KAPATID NA BABAE; at tawagin mong iyong kamaganak na babae ang unawa:”
Maliwanag na ang ipinakikilalang
KARUNUNGAN sa KAWIKAAN ay tinatawag na KAPATID NA BABAE, samakatuwid ISANG
BABAE. Kaya kung ipagpipilitan na si CRISTO ang KARUNUNGANG iyan lalabas ngayon
na bago pa bumaba si CRISTO at NAGKATAWANG TAO si CRISTO ay ISANG BABAE, at
naging LALAKE lang nung nasa LUPA na. PROBLEMANG NAPAKALAKI! Kung ganito ang
kakalabasan, ito ay maituturing na ARAL na LABAG na LABAG sa BIBLIA.
Baka naman magpalusot at
sabihing, diyan sa KAWIKAAN 7:4
hindi si CRISTO iyan kasi BABAE iyan eh, pero iyong nasa KAWIKAAN 8:22-30, iyun si CRISTO iyun kasi LALAKE iyun.
Puntahan natin iyan, so sa kanilang
paniniwala ang BABAE lang na tinutukoy na KARUNUNGAN ay iyong nasa KAWIKAAN 7:4, pero iyong nasa KAWIKAAN 8:22-30 iyun daw ay
LALAKE. Totoo kaya iyun?
Hindi ninyo mapapansin sa TAGALOG
na BIBLIA ito, pero sa ENGLISH BIBLE mapapansin natin ng maliwanag, itataas
lang natin ang basa sa KAWIKAAN 8:1-3:
KAWIKAAN 8:1-3 “Hindi ba umiiyak ang karunungan, at inilalabas ng unawa
ang kaniyang tinig? Sa taluktok ng mga mataas na dako sa tabi ng daan, sa mga
salubungang landas, siya'y tumatayo; Sa tabi ng mga pintuang-bayan sa pasukan
ng bayan, sa pasukan sa mga pintuan siya'y humihiyaw ng malakas:” [Ang Biblia 1905]
PROVERBS
8:1-3 “Doth not wisdom
cry? and understanding put forth HER voice? SHE standeth in the top of high places, by the way in the
places of the paths. SHE crieth at the
gates, at the entry of the city, at the coming in at the doors.” [King James
Version]
Kitang-kita na sa TAGALOG
makakalusot sila riyan, pero sa isa sa mga BIBLIANG ENGLISH, sa KING JAMES,
maliwanag na BABAE ang GENDER ng KARUNUNGAN na tinutukoy diyan. Pansinin ang
paggamit ng mga PRONOUN o PANTUKOY na “SHE”
at “HER” na PAMBABAE na hindi
mapapansin sa TAGALOG.
Kaya kahit saan sila sumuot diyan
hinding-hindi sila makakalusot sa katotohanang HINDI SI CRISTO ang TINUTUKOY na
KARUNUNGAN na nagsasalita sa KAWIKAAN
8:22-30, Well maliban na lang siyempre kung ituturo nila na si CRISTO ay
BABAE o isang DIYOSA bago NAGKATAWANG-TAO, heheheh.
Ngunit ito pa ang lalong higit na
magpapatunay na talagang MALI ang kanilang PAGPAPALAGAY na si CRISTO iyan.
Dahil ang PANGINOONG JESUCRISTO mismo ay nagpapatunay na BABAE ang KARUNUNGAN
gaya ng mababasa sa:
LUKE 7:35 “But WISDOM is justified of all HER children.” [KJV]
Kaya klaro na
klaro mula OLD TESTAMENT hanggang NEW TESTAMENT ipinapakilala na BABAE ang
KARUNUNGAN.
Kaya masasabi na
natin na hindi mapagdududahan na nahulog sa MALING PAGKAUNAWA ang mga gumagamit
ng KAWIKAAN 8:22-30 para patunayan
na si CRISTO ang nagsabi ng mga salitang iyon dahil siya mismo iyon.
Ito ang ating iiwanang mga tanong:
1.
KUNG HINDI SI CRISTO ANG KARUNUNGAN SA KAWIKAAN 8:22-30, SINO YUN?
2.
BAKIT BABAE ANG PAGPAPAKILALA SA KARUNGAN?
3.
ANONG URING KARUNUNGAN NG DIYOS SI CRISTO at ANO ANG PAGKAKAIBA niya
SA KARUNUNGANG BINABANGGIT sa AKLAT ng KAWIKAAN?
Hanggang sa muling
pagtalakay….
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento